LRT/MRT common station, siniyasat

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Muling siniyasat ng mga kongresista kahapon ang lugar na planong pagtayuan ng common station ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Sumakay din sa tren ang mga miyembro ng House Committee on Transportation bilang bahagi ng kanilang inspeksiyon sa LRT station sa harapan ng SM City North EDSA Annex sa Quezon City.

Iminungkahi ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) chief Rogelio Singson ang nabanggit na temporary station sa Department of Transportation (DoTr) hanggang hindi pa nauumpisahan ang konstruksyon ng planong MRT-LRT common station sa pagitan ng SM City North EDSA at TriNoma mall. (Rommel P. Tabbad)