Kinakasama napatay ng seloso

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Dahil sa matinding selos, isang lalaki ang nakapatay sa kanyang live-in partner sa Barrio, Bonuan Gueset sa Dagupan City, Pangasinan.

Sa report kahapon ng pulisya, dakong 4:55 ng hapon nitong Miyerkules nang pagsasaksakin ni Ernesto Dizon, Sr., 66, ng Bonuan Gueset, ang kinakasamang si Rosalinda Sibla, 51, tubong Cebu City.

Nabatid na naabutan ng suspek na may kausap sa cell phone si Sibla na naging mitsa ng pagtatalo ng dalawa.

Nagkahabulan ang dalawa hanggang sa maabutan ni Dizon ang biktima ay paulit-ulit na sinaksak. (Liezle Basa Iñigo)