Kapitan sugatan sa pamamaril

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TANAUAN CITY, Batangas – Sugatan ang isang barangay chairman makaraan siyang pagbabarilin sa harap ng kanyang mga kagawad sa Tanauan City, Batangas, nitong Miyerkules.

Ginagamot pa sa ospital si Guillermo Edrinal, 34, chairman ng Barangay Cale sa lungsod.

Ayon sa report ni PO1 Jhune Carlo Coballes, bandang 8:30 ng umaga at kausap ni Edrinal ang kanyuang mga kagawad at mga kaibigan sa waiting shed nang pagbabarilin siya ng mga hindi nakilalang suspek, na tumakas sakay sa motorsiklo patungong Talisay. (Lyka Manalo)