Gwen Stefani, kabado sa pagsasama nila ni Blake Shelton sa ‘The Voice’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Blake at Gwen copy copy

EXCITED nang bumalik si Gwen Stefani, 47, bilang coach sa ikatlong season ng The Voice, ngunit inamin na nangangamba siya kung paano ito makakaapekto sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Blake Shelton, na bahagi rin ng NBC show.

“I was nervous at first,” saad niya kay Carson Daly sa Today show nitong Miyerkules, at idinagdag na, “Is this going to be awkward?”

Ikinuwento rin ni Stefani na minsan, habang magkasama sila sa sasakyan pauwi ng bahay, kinailangan niyang huminto sa pagsasalita tungkol sa kanyang team at sinabihan ang 40-anyos na country crooner ng, “I don’t know if you are the enemy! I don’t know.”

Gayunman, sinabi niya na si Shelton ay “the greatest guy ever.”

“We do help each other,” pag-amin niya. “I’ve learned a lot about country music.”

Ibinahagi rin ni Stefani kung paano nila ipinagdiwang ang Valentine’s Day habang nasa Oklahoma si Shelton at nasa New York City naman siya. “I got some beautiful flowers and lots of texts,” aniya. “It was fun.”

Patuloy na ipinagmamalaki ang boyfriend, sinabi ni Stefani na siya ay “so lucky” na makasama si Shelton.

Habang nasa People’s Choice Awards nitong Enero, inamin ni Shelton sa ET na wala pa siyang plano para sa Valentine’s Day. “I’m one of those guys that’s always last minute, like, ‘Oh dammit. It’s here, it’s here!’ Get some flowers or something,” ani Shelton. “I’m not good at planning surprises when it comes to Valentine’s Day, but we’ll definitely celebrate.”

Sa iba pang eksklusibong panayam ng ET, nagbiro si Shelton tungkol sa pagsasama nila ng girlfriend sa The Voice at kung ano ang mangyayari kung kukunin ni Stefani ang singer mula sa kanyang grupo. “She is sleeping on the couch, that is what happens,” aniya. “She will be in the dog house.” (ET Online)