Followers ni Selena Gomez sa Instagram, umabot na sa 110 milyon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

UMABOT na sa 110 milyon ang followers ni Selena Gomez sa Instagram at nagpasalamat siya sa lahat ng mga tagahanga na bumago sa kanyang buhay.

Nag-upload sa Instagram nitong Huwebes ang Kill Em With Kindness singer ng kanyang larawan sa harap ng kanyang libu-libong fans sa isang stadium.

“Thank you fam for 110,” aniya. “I promise I will continue to cherish my platform and speaking truth but more importantly, each and every one of you have changed my life. I’m very grateful.”

Si Selena, 24, ang most followed person sa Instagram, ayon sa Forbes.

Natamo ang bagong milestone na ito isang araw matapos ilabas ni Selena ang kanyang bagong kanta, noong 2015 pa ang huli – na collaboration nila ng Norwegian na si DJ Kygo. Ang It Ain’t Me ang maituturing na pinaka-mature na awitin niya sa kasalukyan. Ikinukuwento sa awitin ang istorya ng pag-ibig na nasira dahil sa alcoholism.

Ito ang unang musical endeavor ni Gomez simula noong 2015 album niya na Revival. Abala ngayon ang singer-actress bilang executive producer ng Netflix series na 13 Reasons Why, na adaption sa best-selling young adult novel, na ipalalabas sa Marso 31. (People.com)