Bayanihan, tema ng ASEAN 2017

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

DAVAO CITY – Pinili ni Pangulong Duterte ang katangi-tanging kaugaliang Pilipino na Bayanihan bilang pangunahing tema ng ASEAN Summit 2017 na pangangasiwaan ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa paglulunsad kahapon ng ASEAN Summit sa SMX Convention Center sa Barangay Lanang sa Davao City, sinabi ng Pangulo na ito ang pinaakmang pagkakataon upang bumida ang kapuri-puring kaugaliang Pinoy na bayanihan, sa layuning gabayan ng Pilipinas ang mga kalapit-bansa nito sa tamang direksiyon patungo sa mas masiglang ekonomiya at pagtutulungan.

“Now, more than ever, it is our spirit of bayanihan that will help define us as a responsible leader of our region during this crucial time,” ani Pangulong Duterte. “In this journey, I call on all ASEAN Member States to rededicate ourselves and commit anew to the principles and purposes behind the establishment of our Association – including adherence to the rule of law.”

“Now, more than ever, it is ASEAN’s spirit of community that will enable us to overcome challenges that we face as a region,” sabi pa niya. (Yas D. Ocampo)

  • Archie Palomar Milagan

    ok