VCO NG DAVAO MABENTA SA PAMILIHAN NG SOUTH KOREA

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

NAGPAPASALAMAT ang mga gumagawa at nagsu-supply ng virgin coconut oil (VCO) sa Davao region at sa lungsod sa tumaas na demand ng kanilang produkto sa mga pamilihan sa South Korea.

Inihayag ni Virgilo Sangutan, pangulo ng Davao Inventors Association (DIA), sa mga mamamahayag sa press conference sa SM City sa Davao City nitong Lunes, na katatapos lamang ng kanilang ilang araw na exploratory talks at exposure sa grupo ng mga negosyante mula South Korea na nagpakita ng interes at intensiyon na bumili ng VCO mula Davao City at sa rehiyon.

“They need more supply of VCO as South Korea is also expanding its markets on cosmetic industry which is one of the biggest income generators in said country,” saad ni Sangutan.

Idinadag niya na ang VCO ang pangunahing sangkap ng mga South Korean cosmetic na ibinibenta sa merkado ng Europe at United States.

“After the meeting, they demanded for four to six 20-footer container vans per month of VCO from us. This is a big market for VCO producers here,” ani Sangutan.

Ibinahagi rin niya na inaayos ng grupo at ng mga Korean businessman ang pagsasapinal ng termino, mga kondisyon, at iba pang dapat na ikonsidera.

Sinabi ni Sangutan na nais ng mga Koreano na makisosyo sa produksiyon ng VCO partikular sa pagbabahagi ng teknolohiya.

Pinaplano rin ng mga Koreano na magtayo ng VCO plant site sa bayan ng Carmen, Davao del Norte.

Nanawagan din si Sangutan sa gobyerno na palakasin ang industriya ng niyog sa bansa na ngayon ay pinangangambahang hihina dahil sa patuloy paglipat ng mga magsasaka sa high-valued crops tulad ng saging at palm oil.

“There’s the decrease of the number of coconut trees in the country now. Let us not allow out coconuts to be replaced by other high-value or cash crops,” ani Sangutan said. (PNA)