Rousey, nagpahiwatig ng pagbabalik

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

LOS ANGELES (AP) – Binasag ni dating UFC champion Ronda Rousey ang pananahimik hingil sa pinakabagong kabiguang natamo sa sports sa pamamagitan ng post sa kanyang Instagram.

Ginamit niya ang mga kataga na nailimbag sa librong “Harry Potter” ni J.K. Rowling para bigyan nang kahulugan ang kaganapan sa kanyang career matapos ang nakakahiyang kabiguan laban kay Amanda Nunes.

Umabot lamang sa 48 segundo ang pagbabalik octagon ni Rousey, ipinapalagay na pinakasikat at pinakamayamang UFC fighter, nang paliguan ng suntok ni Nunes.

“And so rock bottom became the solid foundation on which I rebuilt my life,” nakalimbag sa Instagram ni Rousey.

Tumanggap siya ng US$3 milyon sa naturang laban, triple ang halaga sa napanalunan ni Nunes.