Puganteng Kano tiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Isang puganteng Amerikano ang dinampot ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa murder at iba pang kaso.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na dinakip ng mga tauhan ng Fugitive Seach Unit (FSU) ng ahensiya nitong Martes ang 28-anyos na si Yoshikoson Umeko Haddon sa Subic, Zambales.

Ayon kay Morente, naglabas siya ng mission order laban kay Haddon matapos silang abisuhan ng embahada ng Amerika na binawi na ng State Department ng Amerika ang pasaporte ng pugante, kaya isa na itong undocumented alien.

Kasalukuyang nakapiit si Haddon sa detention cell ng BI sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang hinihintay ang kanyang deportasyon.

Mapapabilang din si Haddon sa blacklist ng BI makaraang ma-deport. (Mina Navarro)