Paramore, nagbigay ng update tungkol sa kanilang bagong album

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

hayley-copy

INAMIN ng vocalist ng Paramore na si Hayley Williams na nahihirapan ang banda na makabuo ng bagong album. Noong 2013 sila huling naglabas ng kanilang album.

“Following up our self-titled album didn’t seem like it was going to be an easy task and, unsurprisingly, it was not,” saad ni Williams sa kanyang mahabang post sa Instagram.

Ibinahagi ng 28-anyos na singer-songwriter ang kanyang struggles tungkol sa kanyang nakaraan, na nagpahirap sa kanyang lumikha ng mga awitin para sa banda.

“The problem about comparing yourself to… yourself… is that even though it’s better than looking elsewhere, you’re still looking in the wrong direction. For me, it wasn’t until I trusted that the past is finished with me that I could go looking for what’s next,” ani Williams.

“Our pasts can be a great comforter, or a horror movie; a noose, or a shield… but it is ‘past’ for a reason. After a rest, we have to go looking for what’s supposed to come after that.”

Bagamat hindi sinabi ni Williams kung kailan ilalabas ang kanilang album, tiniyak niya na maglalabas sila ng bagong awitin kapag sila ay “good” at “ready” na.

Nabigay ng pahiwatig ang two-person band tungkol sa kanilang bagong kanta noong Enero 2016.

Sina Williams at gitaristang si Taylor York na lang ang natitirang miyembro ng banda simula nang umalis si Jeremy Davis noong 2015.

Samantala, kumakalat naman ang mga haka-haka sa muling pagbabalik ng drummer ng banda na si Zac Farro na humiwalay naman noong 2010. Kumalat ito nang lumabas ang larawan na kasama siya ng banda, na may caption na: “Lunch is over//Making an album.” (MB Entertainment)