P1.44/kwh dagdag-singil sa Marso

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Kinumpirma ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapatupad ng P1.44 kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil sa kuryente sa Marso, dahil sa Malampaya maintenance shutdown simula ngayong buwan.

Ayon sa tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, malaki ang epekto ng pagsasara ng Malampaya natural gas facility sa electricity rates dahil ito umano ang supplier ng tatlong power plants sa bansa.

Nakatakdang sumailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya mula Enero 28 hanggang Pebrero 18.

Ayon sa Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng P1.20 hanggang P1.44 kada kwh ang electricity rates sa Marso.

Hinikayat din ng DoE ang mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente. (Mary Ann Santiago)