Mark Oblea, mabilis ang pagsikat

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

mark-oblea-copy

NAPAKARAMI palang supporters ni Mark Oblea, ang finalist ng Pinoy Boyband Superstar na hindi nakapasok sa BoybandPH.

Napatunayan minsan ito nang isulat namin siya rito sa Balita. Ilang beses kasi ni-retweet at nai-share sa social media ang online version ng naturang item.

Mas lalo raw nilang nakilala ang binata at natutuwa sila sa pagpapahalaga niya sa kanyang pamilya at sa pag-amin sa mga hirap na pinagdaanan niya.

Sabi ng supporters niyang Markoholics official, Markoholics Negros, MarkxLoisa, lalo raw nilang mamahalin at susuportahan ang binata dahil naniniwala silang hindi ito magbabago kapag lumaki na ang pangalan niya sa showbiz.

Mukhang mapapabilis ang pag-usad ng career ni Mark. As of now ay dalawa kaagad ang TV projects niya, ang My Dear Heart at ang Wansapanataym na ipalalabas ngayong taon.

Tinatanong na kami ng fans niya kung kailan daw ang airing ng Wansapanataym na si Loisa Andalio ang ka-love team niya at third wheel naman nila si Jameson Blake ng Hashtags.

Mabilis ang pagsikat ni Mark kumpara sa ibang artista na taon muna ang binilang bago mapasama sa mga programa na iilan lang ang exposure.

Anyway, salamat sa supporters ni Mark Oblea dahil palagi raw silang nagbabasa ng Balita at talagang inaabangan nila ang entertainment page natin. (Reggee Bonoan)