Kris, may pilgrimage muna bago bumalik sa trabaho

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

kris-copy

NAG-POST si Kris Aquino ng mapa ng Europe at nilagyan ng caption na, “Bawal magkuwento about what’s happening in my work this February – but it’s what you’ve waited for and what I’ve prayed about… Yet before all of the busy-ness starts, I was blessed to be encouraged by Mr. T (Tony Tuviera, ang bagong business manager niya –Editor) to check on my bucket list the pilgrimage I’ve long wanted to make.

“What better way to prepare for all that’s coming than to strengthen my faith? Getting ready to renew my Schengen visa. The two boys allowed me to make this journey so I could finally visit the places of worship I’ve been talking about wanting to pray in for so long.”

May flag ng Italy ang caption ni Kris, kaya ang feeling ng mga nakabasa ng caption niya, sa Italy siya pupunta.

May mga nag-suggest kay Kris kung saan-saang lugar siya maaaring pumunta at marami ang mga natutuwa na makakapag-travel siya bago sumabak sa trabaho.

Marami ang na-curious sa binanggit ni Kris na “in my work this February.” Gustong malaman ng kanyang fans at followers sa social media kung ang ibig sabihin ba nito ay babalik na siya sa telebisyon at araw-araw na uli siya mapapanood. (NITZ MIRALLES)