Cancer patient pinatay sa palo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN MARIANO, Isabela – Walang saplot sa katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang matandang dalaga na cancer patient sa Barangay Daragutan West sa San Mariano, Isabela.

Ayon kay Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano Police, namatay si Lovinia Castro, 57, nasa stage 3 ang iniindang breast cancer, at taga-Bgy. Daragutan West, dahil sa sakal at palo sa ulo.

Enero 6 nang naiulat na nawawala si Castro hanggang sa matagpuang hubo’t hubad at walang buhay sa tubuhan may 30 metro ang layo sa kanyang bahay.

Naniniwala ang pulisya na may matinding galit ang pumatay sa biktima.

Ilan sa anggulong tinitingnan ng pulisya ay ang pagpapautang ng biktima at ang hindi umano magandang trato nito sa ilang kaanak. (Liezle Basa Iñigo)