Business renewal puwede sa weekend

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Upang maserbisyuhan ang libu-libong taxpayers ng Parañaque City, magbubukas ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa Sabado at Linggo (weekend) ngayong buwan.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na bukas ang BPLO office sa ground floor ng city hall, sa Enero 14 (Sabado) at 15 (Linggo), mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali para sa renewal ng business permit, na magtatapos sa Enero 20. (Bella Gamotea)