‘Banned for life’ sa Romanina tennis player

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

LONDON (AP) — Pinatawan ng ‘lifetime banned’ ang Romanian tennis player matapos umamin sa kasong match-fixing.

Ipinahayag ng Tennis Integrity Unit na napatunayang nagkasala si Alexandru-Daniel Carpen sa kaso nang personal na kausapin ang kalabang player sa isang torneo noong October 2013 na ihuhulog ang laro kapalit ng malaking halaga.

Sinabi ng TIU nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na inamin ni Carpen ang bintang noong 2015. Na-delay ang pagbibigay ng sanctioned dahil kinumpleto pa ang lahat ng dokumento hingil sa naturang kaso.

Ang 30-anyos na si Carpen ay umabot sa No.1,088 sa world ranking ng singles (2007) at No. 274 sa doubles noong 2015.