Alessandra, nanghihinayang sa nakawalang malaking project

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

alessandra-copy-copy

NASULAT kamakailan (hindi sa Balita) na tumangging mag-audition si Alessandra de Rossi para sa pelikulang Citizen Jake na ididirehe ng multi-awarded filmmaker na si Mike de Leon.

Marami ang nag-react kung bakit daw tumanggi ang aktres gayong halos lahat ng mahuhusay na artista ay nangangarap maidirihe ni Mike de Leon. Hindi raw ba nanghinayang ang dalaga sa sinayang niyang pagkakataon na makatrabaho ang premyadong direktor?

Nagpa-set kami ng schedule for interview kay Alessandra pero hindi kami mabigyan ng oras dahil busy siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano (gumaganap siya bilang nanay ni Onyok). Kaya ang handler niyang si Mac Merla ang tinanong namin kung bakit tumanggi si Alessandra na mag-audition.

“Hindi kami nasabihan na audition na pala ‘yun,” sagot ni Mac. “Hindi namin alam ang material na gagawin. Hindi kami ready.”

Kaya nanghihinayang daw ang aktres na hindi siya kasama sa project na ngayon pa lang ay usap-usapan na.

“Oo siyempre, Mike de Leon ‘yun, grabe ang filmography niya. If nakapaghanda lang kami talaga, itutuloy namin ‘yun.”

Sayang ngang talaga, pero sabi nga, kung hindi ukol ay hindi bubukol. Baka may ibang malaking project na darating para kay Alessandra ngayong 2017.

Anyway, hanggang ngayon ay zero ang love life ni Alessandra na balita namin ay wala nang planong mag-asawa. Napa-HA?
Talaga kami sa aming narinig.

Naku, Alex, kailangan talaga kitang ma-one-on-one interview. (REGGEE BONOAN)