ABS-CBN Store, may grand clearance sale

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ISANG pasabog na pagsalubong sa 2017 ang handog ng ABS-CBN Store sa Kapamilya fans sa gaganapin nitong grand clearance sale ngayong Huwebes hanggang Sabado (Enero 12-14) sa ABS-CBN Center Road.

Maging proud Kapamilya saan man magpunta gamit ang iba’t ibang ABS-CBN merchandise. Aabot ng hanggang 50% ang discount na maaaring makuha sa piling items.

Mula sa paboritong Kapamilya teleseryes, hanggang talk at variety shows ay marami kang mapagpipiliang mga damit at gamit.

Hindi rin pahuhuli ang mga paboritong pelikula sa Star Cinema na may handog ding iba’t ibang movie merchandise.

Ang grand clearance sale ng ABS-CBN Store ay bukas sa publiko mula 10 AM hanggang 6 PM. Para sa kadaragdagang impormasyon tungkol sa ABS-CBN merchandise, bumisita sa http://store.abs-cbn.com.