5 diplomat, patay sa Afghan bombing

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

KABUL, Afghanistan (AP) – Sinabi ng United Arab Emirates na limang diplomat nito ang namatay sa pambobomba sa Kandahar, Afghanistan, noong nakaraang araw.

Nag-tweet si Dubai ruler Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, ang prime minister at vice president ng UAE, na “there is no human, moral or religious justification for the bombing and killing of people trying to help [others]’’.

Naunang sinabi ng Afghan officials na lima ang namatay at 12 ang nasugatan sa pagsabog.

Naglabas din ng pahayag ang Taliban noong miyerkules na nagsasabing hindi sila ang nagtanim ng bomba, at isinisi ang “internal local rivalry” sa pag-atake.