Seguridad sa Ati-Atihan hinigpitan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

KALIBO, Aklan – Hinigpitan ang seguridad sa pagdiriwang ng taunang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Aklan.

Ito ay matapos makipagpulong ang Philippine National Police (PNP), sa pangunguna ni Police Regional Office (PRO)-6 Director Chief Supt. Jose Gentiles, sa mga kinatawan ng Philippine Army kaugnay ng pagpapatupad ng seguridad sa Ati-Atihan.

Ipinagbabawal ng mga awtoridad sa mga deboto ang pagbibitbit ng mga botelya ng alak o softdrinks sa lahat ng pagdarausan ng okasyon sa Kalibo. (Jun N. Aguirre)