Rapper Soulja Boy at Chris B, maghaharap sa 3-round duel

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

LAS VEGAS (AP) — Mula sa hidwaan sa social media, posibleng magkatuluyan ang word war sa pagitan nina rapper Chris Brown at Soulja Boy sa isang boxing duel na pangangasiwaan ng Mayweather Promotion.

Kapwa ipinahayag ng dalawang pamosong hip-hop rapper ang kahandaan para sa isang three-round duel upang maresolba ang gusot na nilikha ng sagutan at batuhan ng negatibong pahayag sa social media.

Ipinagyabang ni Soulj Boy na nakausap niya si Mayweather na nagpahayag umano ng kahandaan na sanayin siya bago ang laban.

Selyado na ang laban matapos lumagda para sa three-round bout ang dalawa at mapapanood sa pay-per-view sa pangangasiwa ng Mayweather company.

Inilagay na ni Soulja Boy sa kanyang Instagram nitong Miyerkules ang naturang duwelo at nakasaad sa mensahe niya na: “It’s going down! Signed my contract.” Sinbi ni Soulja Boy na pangangasiwaan ni Mayweather ang kanyang training.