Negosyante binoga sa mukha

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP VICENTE LIM – Patay ang isang binatang negosyante matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang tindahan sa San Pedro, Laguna.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang kay Emilian Grey Miranda, 32, taga-Pacita 2, Elvinda Village, Barangay San Vicente, na tinamaan ng bala sa kanang bahagi ng mukha.

Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, dakong 4:10 ng hapon nitong Lunes at nagkakarga ng mga water container sa delivery vehicle si Miranda nang pagbabarilin siya ng suspek, na tumakas sakay sa motorsiklo.
(Lyka Manalo)