NBA top pick, binitiwan ng Brooklyn Nets

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NEW YORK (AP) — Iniwan sa ere ng Brooklyn Nets si Anthony Bennett, ang dating No. 1 pick sa NBA draft.

Naglaro si Bennett ng 23 laro sa Nets, ikaapat niyang koponan matapos ang sopresang desisyon ng Cleveland Cavaliers nang piliin siyang top pick noong 2013. Naitala niya ang averaged 5.0 puntos at 3.4 rebound.

Bunsod ng desisyon nitong Lunes (Martes sa Manila), sasabak ang Nets na meron lamang 14 player.

Umabot lamang ng isang season ang 6-foot-8 forward sa Cavs bago siya na-trade sa Minnesota kapalit ni Kevin Love.

Iniwan din siya ng Timberwolves matapos ang isang taon at naglaro ng isang season sa kanyang hometown Toronto Raptors.