Lindsay Lohan, nagbalik sa Red Carpet

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TEAMS_631360632

MULI nang lumakad sa red carpet si Lindsay Lohan pagkaraan ng pitong buwan nitong Lunes.

Sinorpresa ng 30 taong gulang na aktres ang fans sa kanyang pagdalo sa Firenze4Ever 14th Edition Party na hosted ni Luisa ViaRoma sa Florence, Italy, suot ang black-and-white dress, strappy sandals at kumikinang na choker necklace.

Huling namataan si Lohan sa Red Carpet noong Hunyo sa 2016 Butterfly Ball sa London, kasama ang kanyang dating fiancé na si Egor Tarabasov.

Pagkaraan ng pitong buwan, nakipaghiwalay si Lohan kay Tarabasov sa gitna ng mga haka-haka na niloko siya ng Russian businessman.

Noong nakaraang Nobyembre, ibinahagi ng ama ni Lohan na si Michael sa ET na ang aktres ay “absolutely amazing” pagkatapos ng hiwalayan.

“She’s so happy and healthy and doing great,” aniya. “Every time I talk to her she’s so positive. There’s nothing to be concerned about.”

Bagamat patuloy sa pagdalo sa mga public event, bahagya namang nabawasan ang kanyang presensiya sa Internet.

Kamakailan, binura ng aktres ang lahat ng kanyang post sa Instagram.

Sinabi naman ng kanyang kinatawan sa Us Weekly na ito ay bahagi ng “period of renewal”ng aktres. (ET Online)