Kinastigo sa basura, nagpakita ng ari

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Nakaharap ngayon sa kasong grave scandal at oral defamation ang isang 60-anyos na lalaking British na inaresto matapos niya umanong murahin at pakitaan ng kanyang ari ang solterang kapitbahay niya sa Tuscany North Estate Subdivision, Barangay Burot, Tarlac City, nitong Lunes ng hapon.

Sa report ni SPO1 Aldrin Dayag kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, kinumpronta ni Marlyn Quinto, 61, dalaga, si Colin Daniel John Lewis, binata, tungkol sa basurang inilagay umano ng dayuhan sa harap ng bahay ng una.

Sa halip na humingi ng paumanhin ang Briton ay nagsisigaw ito ng “You fu**ing woman! You are a b**ch!” bago sumenyas ng dirty finger at ipinakita umano ang ari nito. (Leandro Alborote)