Kelot tigok sa tandem

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABIAO, Nueva Ecija – Tumilapon sa punong acacia ang isang 34-anyos na lalaki makaraang rapiduhin ng bala ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Purok 6, Barangay San Carlos sa Cabiao, Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Insp. Rico Cayabyab, minamaneho ni Jefferson De Lara Sebastian, ng Bgy. Sta. Rita, ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng suspek, sa hinalang may kinalaman sa droga.

Natamaan naman ng ligaw na bala sa balikat si Rico Santiago Pineda, habang sa kaliwang tenga naman ang tama ni Rafael Baug Legaspi. (Light A. Nolasco)