Indonesian group, sama sa terror list

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

JAKARTA, Indonesia (AP) – Isinama ng United States ang Indonesian radical network na umatake sa Jakarta sa listahan ng teroristang grupo at inihayag ang mga parusa sa apat na militante nito upang masira ng operasyon ng grupong kaalyado ng Islamic State sa Australia at Southeast Asia.

Sinabi ng State Department noong Martes na inilista nito ang IS-affiliated Jamaah Ansharut Daulah (JAD) bilang teroristang grupo.

Ang grupo ang itinuturong responsable sa pag-atake noong Enero 2016 sa kabisera ng Indonesia, na ikinamatay ng walo katao kabilang na ang mga umatake.