Diborsyado, tanggapin

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

VATICAN CITY (AP) — Sinabi ng doctrine chief ng Vatican na hindi kailangang itama si Pope Francis sa pagtanggap nito sa mga diborsyado at muling nag-asawang Katoliko dahil “there is no danger to the faith” sa mga sinabi nito.

Sinagot ni Cardinal Gerhard Mueller, pinuno ng Congregation for the Doctrine of the Faith, ang hiling ng apat na konserbatibong cardinal na linawin ng papa ang posisyon nito sa kontrobersyal na dokumentong “The Joy of Love.”

Nababahala ang mga konserbatibo na ang pagpahintulot ni Francis na bigyan ng komunyon ang mga “divorced and civilly remarried Catholics” ay magdudulot ng kalituhan sa mananampalataya sa aral ng simbahan sa kasal.