DASH store ng Kardashians, ninakawan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

kim-copy-copy

EKSAKTO sa araw ng pagkakaaresto sa mga suspek sa pagnanakaw kay Kim Kardashian sa Paris, ninakawan naman ang Hollywood DASH ng reality star.

Kinumpirma ito ng West Hollywood Sheriff sa ET na iniimbestigahan ng mga deputy ang nakawan sa tindahan na matatagpuan sa Melrose Avenue sa Hollywood.

Ibinahagi ng Watch Commander sa ET na tinatayang aabot sa $1,400 hanggang $1,600 ang halaga ng ninakaw na items.

Nakunan ng kamera ang suspek na hindi pa nakikilala hanggang ngayon.

Samantala, kinilala at ikinulong ng pulis sa Paris ang 17 katao na pinagsususpetsahang nagnakaw kay Kardashian noong Oktubre, na tumangay ng mga alahas at salapi na milyun-milyon ang halaga.

Nitong nakaraang Martes, sinabi sa ET ng source na malapit kay Kardashian at sa kanyang asawa na si Kanye West na ang Keeping Up With the Kardashians star ay “deeply relieved to know that this horrible ordeal will all come to an end soon.” (ET Online)