16 arestado sa Kardashian Paris robbery

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

INARESTO ng French police ang 16 katao sa Paris nitong Lunes kaugnay sa pagnanakaw sa US reality TV star na si Kim Kardashian noong nakaraang taon, ayon sa mga pulis.

Tinutukan si Kim ng baril at ninakawan ng mga alahas na nagkakahalaga ng $9.5 million nang pasukin ng mga armadong lalaki ang kanyang hotel sa Paris nang dumalo siya ng Fashion Week noong Oktubre.

Binasag na ng 36-anyos, na asawa ni Kanye West, ang kanyang pananahimik tungkol sa insidente ngayong weekend, sinabi na natakot siya na baka patayin siya ng mga magnanakaw.

“They’re going to shoot me in the back,” saad ni Kardashian sa kanyang mga kapatid sa promotional clip sa bagong season ng kanilang patok na reality TV show na Keeping Up With The Kardashians

“There’s no way out. It makes me so upset to think about it.” (AFP)