Tunisians vs jihadi

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

TUNIS, Tunisia (AP) – Nagmartsa ang may 1,000 Tunisian sa kabisera upang iprotesta ang pagbabalik ng mga jihadi mula sa Syria, Iraq at katabing Libya.

Ayon sa mga awtoridad, mayroong 3,000 Tunisian ang nagtungo sa magugulong bansa at halos 800 ang nagbabalik matapos umanib sa grupong Islamic State.

Dumagundong ang mga sigaw na “No return, no freedom for savage (IS) bands’’ o “No repenting, no pardon for terrorists” noong Linggo sa pangunahing daan sa Tunis. Bitbit ng ilan ang mga litrarto ng security forces na napatay sa pakikipaglaban sa mga hangganan ng Tunisia.