Sarah at John Lloyd, magsasama uli sa pelikula

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

john-lloyd-at-sarah-copy

NAGDIRIWANG at nagsasaya ang fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa announcement ni Ms. Malou Santos, chief operating officer ng Star Cinema, na magbabalik na sa bagong pelikula ang tambalan nina John Lloyd at Sarah ngayong taon.

Kahit wala pang detalye sa balik-tambalan nina John Lloyd at Sarah, sapat na ang sinabing this 2017 sila muling mapapanood. Apat na taon ang hinintay ng fans ng dalawa at apat na taon ding pangungulit sa Star Cinema bago sila pinakinggan.

Excited nang hinihintay ng fans ang announcement kung kailan sisimulan ang shooting, kung sino ang director, at kung sino ibang mga artistang makakasama.

Higit sa lahat, kung kailan ipalalabas ang pelikula.

Ilang buwan ding nagbakasyon o nag-hibernate sa showbiz si Sarah. Big bang ang kanyang ipinangakong pagbabalik sa limelight, balik-tambalan ng blockbuster team-up nila ni John Lloyd.

Tatlong pelikula na ang nagawa nila, ang series na A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009) at It Takes A Man and A Woman (2013) na pawang blockbuster hit na paakyat ang figures. Kumita ang mga ito ng P179M, P225M, at P405M respectively. (NITZ MIRALLES)

  • Eunice Benitez

    i hope that it is the sequel of their first 3 movie. I am looking forward to it. I wanna see them on screen with their son or daugther