Marian, No. 1 sa 10 Most Beautiful Filipina Celebrities

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

marian-zia-bali-1-copy

IN the news muli si Marian Rivera. Noong isang araw, nagpasalamat si Marian sa @vidanes­_cm sa account verification na may 3.3 million followers na siya, na ipinost niya sa kanyang Instagram account. Kaya sunud-sunod ang mga pagbating tinanggap niya mula sa kanyang followers here and abroad.

Mas maraming naging followers si Marian simula noong lagi siyang naglalabas ng pictures nila ni Baby Zia na lagi silang twinning o terno ng damit. Ang cute naman talaga kasing pagmasdan ng mag-ina.

Ngayon naman nag-issue ang The World Around Us ng 10 Most Beautiful Filipina Celebrities according to the US Media at sino pa nga ba ang number one kundi si Marian Rivera pa rin. Naririto ang post nila sa Instagram:

“The Kapuso Primetime Queen is also a Facebook royalty with almost 18 million followers – the highest among Filipino celebrities and Top 20 in the world.

“She is best known for her roles in Marimar, Amaya and Dyesebel.”

“Congratulations, Marian Rivera-Dantes!”

Inip na ang fans ni Marian na nagsisipaghintay na mapanood ulit siya sa teleserye. Sa ngayon, sa variety show na Sunday Pinasaya lang siya regular na napapanood. Huwag daw mainip, ayon sa manager niyang si Rams David ng Triple A for Stars, dahil may inihahanda nang bagong drama series ang GMA for Marian. (NORA CALDERON)

  • MarianoRivero

    Sana naman movie acting award from a credible award-giving body ang susunod na i-hype na balita tungkol kay Marian. Hindi yung bigay ng press people, lalo na yung sa ENPRESS.