Checkpoint inatake, 8 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

EL-ARISH, Egypt (AP) – Inatake ng mga militante ang isang Egyptian police checkpoint sa hilaga ng Sinai Peninsula noong Lunes gamit ang isang ninakaw na truck ng basura na pinuno ng mga pampasabog. Pitong pulis at isang sibilyan ang namatay.

Wala pang umaako sa pag-atake, ngunit taglay nito ang mga tatak ng Sinai affiliate ng grupong Islamic State, na nagsagawa ng maraming pag-atake sa mga pulis at sundalong Egyptian nitong mga nakalipas na taon.

Sinabi ng Interior Ministry na ibinangga ng mga militante ang garbage truck na puno ng pampasabog sa checkpoint sa lungsod ng el-Arish, ngunit napatay ng security forces ang driver at ligtas na napasabog ang truck bomb. Napatay din ng mga awtoridad ang lima sa mga umatake.