2 dinakma sa buy-bust

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Nabulilyaso ang transaksiyon ng dalawang hinihinalang tulak ng droga makaraan silang maaresto ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa buy-bust operation sa San Leonardo, Nueva Ecija, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng awtoridad ang nadakip na sina Ronrie Rivera y Soriano, 49, binata, tricycle driver, ng Barangay Bernardo District; at Angeline Fontanilla y Gedalanga, 42, may asawa, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ronieco Rei L. Dizon, dakong 1:00 ng umaga nang damputin ng mga tauhan ng SAID-SOTG sina Rivera at Fontanilla matapos makipagtransaksiyon sa poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang 12 maliliit na transparent plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000 at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco)