‘Encantadia’ merchandise, ipinamudmod sa Christmas party ng cast

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

sanggres-ng-encantadia-copy-copy

MASAYA ang Christmas party ng Team Encantadia na ginawa sa Riverside Studios Manila. Sa mga nakita naming ipinost na pictures ni Direk Mark Reyes, halos kumpleto ang buong cast ng fantaserye.

Lahat nagkasayahan at in-announce rin siguro ni Direk Mark na extended ang fantaserye hanggang February 2017.

Namigay ng Christmas gift si Direk Mark kabilang ang Encantadia hoodie at nakakatuwa ang picture na lahat ng cast at creative staff ay nakasuot ng Encantadia hoodie.

Sa mga sumunod pang pictures sa party, may hawak na Encantadia bag ang mga Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla. Suot din nila ang Encantadia cap na parte na yata ng Encantadia merchandise.

Nauna nang in-announce ni Direk Mark na magiging available na ang Encantadia merchandise sa January 2017 kabilang ang anime chibi version ng mga Sang’gre. At least, umabot pa ang merchandise, bago magtapos ang fantaserye sa Pebrero, at mabibili na ang mga ito.

Napansin namin na sa mga litrato sa Christmas party na laging magkadikit sina Rocco Nacino at Sanya Lopez. Sila ang love team sa fantaserye, pero balitang may ibang idini-date si Rocco at alam ito ni Sanya. (NITZ MIRALLES)