Alden at Maine, ngayon ang first taping day ng teleserye

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

alden-maine-twins-2-copy

NAGPAALAM muna uli pansamatantala sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye sa “Juan For All, All For Juan” segment nila sa Eat Bulaga.

Nitong nakaraang Sabado, pagkalipas ng apat na buwan, bininyagan na ang kanilang kambal na anak na sina Charmaine at Richard. Nakakatuwa na nakakuha sila ng tunay na kambal, sina Kyla at Kendal at ang kanilang mga ninong at ninang ay sina Tito Sen, Joey de Leon, Allan K, Kristoffer Martin (Alden’s best friend), Pia Guanio, Aicelle Santos, Patricia Tumulak at Cacai Bautista na nakasama nila sa Imagine You & Me movie.

Ang nagbinyag kina Chairmaine at Richard ay iyon ding character actor na gumanap na pari nang ikasal sila sa kalyeserye last October 22.

Sa story ng kalyeserye, pupunta ng Russia ang mag-asawa at ang kanilang kambal dahil inimbitahan sila ng Lola Baba ni Alden na mag-stay roon para makita ang kanyang mga apo sa tuhod. Kaya malungkot man si Maine na mahiwalay sa mga lola niyang sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo), gusto naman nila ni Alden na pagbigyan ang imbitasyon sa kanila ni Lola Baba.

Kailangan nilang gawin ito para makapag-concentrate sina Alden at Maine sa taping ng Destined To Be Yours, ang first teleserye nila sa GMA-7.

Kung walang aberya at matutuloy ang lahat ng plano, nakatakda ang first taping day nila ngayong araw (Wednesday, December 21).

Malayo ang location shooting, somewhere sa Quezon province, kaya mahihirapan na silang mag-report sa Eat Bulaga daily pero tuwing Saturday, nasa noontime show pa rin sila.

Ang Destined To Be Yours ang isa sa tatlong bagong primetime show na mapapanood sa GMA7 sa 2017. (NORA CALDERON)