Bagitong aktor, natutulala sa byuti ng female young star

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

MUKHANG tinamaan ang bagitong aktor sa isang female young star. Marami ang nakakakita na natutulala siya sa beauty nito kapag magkaharap o nagkikita sila sa network na pinagtatrabahuhan nila.

Dahil hindi maitago, halatang-halata ang pagkabighani ng bagitong aktor sa female young star. Tinutukso at binibiro tuloy siya ng mga kasabayan niyang pumasok sa showbiz at pati na ng mga co-star niya sa isang teleserye.

Payo ng mga kaibigan ng bagitong aktor, career muna ang unahin bago ang love life dahil baka maudlot. Unti-unti nang nakikita ang kahusayan niya sa pag-arte, sayang naman kung madidiskaril lang ang mga pinaghihirapan niya.

Mabuti na lang, mukhang hindi rin naman handang magkaroon ng boyfriend ang female young star. Career din ang priority nito dahil overdue na siya sa showbiz pero hindi pa rin makaalagwa.

Bukod dito, parang hindi type ng female young star ang bagitong aktor na medyo tamed o behaved ang dating, dahil ang gusto ng girl ay tipong astig at nakaka-relate sa lahat ng mga pinag-uusapan.

Kaya mahina ang manok natin, Bossing DMB. –Reggee Bonoan

(Mabuti na ‘yang mahina pala siya sa kamunduhan, hahaha! Para makapag-concentrate siya sa mas mahahalagang bagay. –DMB)