Hiniling ni Senator Leila de Lima sa Senado na silipin ang bilyung halaga ng proyektong pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng China sa kanyang tatlong araw na state visit noong Oktubre.
Ayon kay De Lima, dapat malaman ang 17 investment projects alinsunod na rin sa probisyon ng Saligang Batas na nagsasaad ng “full public disclosure of all its transactions involving public interest.”
“It has been our nation’s unfortunate and oft-repeated experience that questionable contracts are only discovered after public funds have already been expended, and the public interest has already been compromised,” ani De Lima
Aniya, sa ulat ng World Bank (WB) noong 2009 at 2001, pitong Chinese firms at isang indibidwal ang nasangkot sa anomalya at pinagbawalan nang makilahok sa mga proyekto ng WB hanggang 2017.
Nilinaw ni De Lima na hindi hangad ng kanyang panukala na hadlangan ang mga proyekto ng pamahalaan, at ang kanyang layunin ay malinawan ang mga transaksyon.