Isang babae ang natagpuang patay at nakabigti sa loob ng tinutuluyan niyang kuwarto sa isang hotel sa Paco, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Pinaniniwalaang nagpakamatay ang biktima na kinilalang si Lorena Uchiyama, 39, sa isang hotel na matatagpuan sa 1337 Perdigon Street, Paco, Maynila.
Sa ulat ni Police Supt. Romeo Desiderio, ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong 3:30 ng hapon nang madiskubre ng isang Bernard Gremio ang bangkay ng biktima.
Sa mga oras na ito ay inaalam pa ng mga pulis ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ngunit tumanggi na ang pamilya nito na paimbestigahan pa ang insidente sa paniwalang walang foul play na nangyari. (Mary Ann Santiago)