Tadtad ng bala sa katawan ang isang dalaga na sangkot umano sa ilegal na droga matapos pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Pateros, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot si Helen Talaboc y Juvane, 35, ng No. 32 Alley 122 P. Rosales Street, Barangay Santa Ana, ng nasabing munisipalidad, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Blangko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet at full face helmet.
Sa ulat na natanggap ni Pateros Police Station chief Senior Supt. Joel Villanueva, dakong 2:20 ng madaling araw nang piliting pasukin ang bahay ng biktima at tuluyan siyang pinagbabaril.
Napag-alaman na kabilang sa drug watchlist ng pulisya si Juvane. (Bella Gamotea)