Female star, panay ang hingi ng tulong pinansiyal sa TV host

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

AWANG-AWA ang isang premyadong TV host sa kanyang kaibigang female star. In fairness, kung ilang beses na rin naman niyang natulungan ang huli.

Katunayan, kahit nga wala pang binabanggit ang female star sa TV host ay agad na siyang nagpadala ng tulong.

Kahit na nga raw ang kapritso ng female star na maibalik sa dati ang anumang nawala rito ay sobra-sobra na rin ang naitulong ng TV host.  May mga kaibigan din ang TV host na pinakiusapan niya na tulungan din ang female star na makabalik sa limelight.

Although nasa sirkulasyon pa rin naman, hindi na kagaya nang dati ang ningning nito.

Kuwento sa amin ng isang malapit sa TV host,  lately ay may inuutusan pa nga raw ang female star para makahingi ng tulong pinansiyal sa una. May babayaran daw kasi ang female star, huh!

Hindi pa rin naman daw umuwing luhaan ang inutusan ng female star. Pero banggit pa ng kausap namin, may hangganan din naman ang lahat .

Kumbaga, may katapusan ang lahat na kagaya ng showbiz career ni female star.

“Kahit anong gawin niyang pagpupumilit at pagsisikap na makabalik sa kasikatan, eh, parang imposible na. Tapos na ang  panahon niya, ang masakit nga lang, eh, hindi niya talaga napaghandaan ang bagay na ‘yan,” sey pa ng kausap namin.

Kaya sa mga sikat pang stars ngayon, ipun-ipon din kung may time para may mahuhugot pagdating ng tag-ulan. –Jimi Escala