Young actress, ayaw magtrabaho kapag kaaway ang boyfriend

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GULAT na gulat kami sa kuwento ng aming source tungkol sa young actress na super sikat ngayon. Tinotopak raw ang aktres kapag nag-aaway ito at ang karelasyon niya at nawawalan ng ganang mag-taping.

“‘Pag nasa mood, okay, lalo na ‘pag wala silang gusot ni _____ (boyfriend). Pero kapag may away sila, naku, hindi mo mapapalabas sa dressing room o sa holding area kahit na ilang beses mo na tawagin at kahit nakabihis na ayaw lumabas.

May tantrum siya lalo na kapag hindi pa sila nagkikita ni _____ (boyfriend).

“Minsan nadi-delay ang taping dahil sa kanila (boyfriend at aktres), ‘sinumbong yata sila sa management kasi hindi puwedeng maapektuhan ang show ng gusot nila, kinausap naman sila. Mukhang nagtanda naman,” kuwento ng aming source.

Ayon sa source, sobrang selosa kasi si Aktres na siya raw sobrang in love sa boyfriend kaya napapailing ang mga nakakakita lalo na’t napakabata pa naman kasi ng aktres para magpakaseryoso sa pag-ibig.

Sa totoo lang hindi kami makapaniwala na si aktres pala ang sobrang in love sa boyfriend niya dahil akala namin ay hindi siya seryoso, kasi nga kapag maraming nakakakita ay parang wala lang. (Reggee Bonoan)

  • mara cruz

    pwedeng Jadine, pero ayon kina nadine at james hindi sila nagaaway.Maybe its Lizquen,umamin na laging nagaaway

  • benche04

    ok lang ma delay ang taping wag lang ang regla!