Maine, proud girlfriend ni Alden

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

maine-alden1-copy

MULING pinasaya nina Alden Richards at Maine Mendoza ang AlDub Nation nationwide and worldwide through social media noong Thursday evening, September 22, nang magkaroon sila ng meet and greet sa fans at mga tagatangkilik ng Platinum Karaoke na sila ang newest ambassadors.  

Ginanap sa Manila Peninsula Hotel ang semi-formal affair at binigyan ng owners ng invitations to attend ang fans ng dalawa, kaya nag-trending ito nationwide and worldwide sa Twitter.

Kahit papaano, bawing-bawi ang lungkot ng Aldub Nation dahil tumama ang araw na iyon na 62nd weeksary ng Aldub.

Simula kasi nang mawala ang kalyeserye sa Eat Bulaga, hindi na naipagdiriwang ang weeksary at monthsary sa noontime show kundi kapag nagkakataon na lang na tumatapat ito sa special events nina Maine at Alden.  

Eh, nung Thursday, hindi man lamang bumati sina Alden at Maine ng happy weeksary on television dahil si Alden nasa Broadway studio at si Maine nasa isang barangay sa Cainta, Rizal.

Lalong sumaya ang AlDub Nation nang magkaroon ng question ang answer ang host ng event kina Alden at Maine. Ang ilan sa mga naitanong ang updates sa totoong relasyon nila.

Maine: “Proud girlfriend.” 

Alden: “Kilig to the bone marrow boyfriend.” Ano ang song ni Alden for Maine: “Buko by Jireh Lim.  

Ano ang song nila for each other? “Nothing’s Gonna Stop Us Now.”  

Ano ang theme song nila? “Yellow by Coldplay (ang paboritong rock band ni Maine).

Status ng kanilang relasyon, Maine: “Happy.” Pakanta ang pagsang-ayon ni Alden.

Pagkatapos ng question and answer, tinawag na on stage ang bawat fan club na present para sa photo-op nila with Alden and Maine. 

At mas sumaya nang maki-jamming sa Platinum Karaoke ang dalawa with their fans.

Samantala, nagpasalamat si Alden sa lahat ng mga sumubaybay sa pagpasok niya bilang special guest sa Encantadia bilang ang Mulawin na si Lakan. Kung mataas na sa AGB Nielsen ratings ang telefantasiya ng GMA 7, nadagdagan pa muli ito. At gabi-gabi nga ay inaabangan na nila ang unang paglipad ni Lakan bilang isang Mulawin.

“Salamat po at sa mga nagtatanong tungkol sa mga gagawin pa naming project ni Maine, huwag kayong mag-alaala, dahil may sorpresa kami muli sa inyo, hintay na po lamang kayo.” (NORA CALDERON)

  • donya

    NATUPAD NA ANG PANGARAP NI BAE NA MAGING DARNA KASI SA TOTOONG BUHAY GANON SYA HIHIHIIH

    • Juliet

      ahaha! bakit darna,hindi ba lakan,ang role niya dun.

      • Kasi iyong si Donya ay inaassumed niya na bakla si Alden kay Darna ang tawag niya. Sira ulo niyan.