Katy Pery at Orlando Bloom, namasyal sa Shanghai Disneyland

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

orlando-at-katy-copy

MUKHANG seryoso na ang relasyon nina Katy Perry at Orlando Bloom. Nitong nakaraang Biyernes, ibinahagi ni Perry sa social media ang kanilang biyahe sa Shanghai Disneyland.

Bakit nasabing seryosohan na sila?

Una, kasama ni Bloom, 39, ang anak sa ex-wife na si Miranda Kerr sa masayang biyahe nila. Sa mga video na naka-post sa Snapchat, maririnig na nagpapaliwanag si Orlando tungkol sa Pirates of the Caribbean ride sa limang taong gulang na anak na si Flynn. May mga inside scoop pa ang aktor nang gawin nila ang nasabing pelikula.

 “That’s the Flying Dutchman,” maririnig na sinasabi ni Orlando sa anak, na mapapansing enjoy sa ride. Ang barko ay tampok sa Pirates of the Caribbean: At World’s End. Masuwerte para kay Orlando dahil na-impress si Katy.

“Its’ the best ride I’ve ever been on & not just cause I’m dating a pirate,” saad niya sa video habang tumutugtog ang Yo Ho! (A Pirate’s Life for Me) sa background.

Kung muling papasyal sa Disneyland si Flynn, tiyak na game uli ang Rise singer. “I promise I will never grow up,” sabi pa sa caption niya.

Hindi lang kid at heart si Perry kundi romantic din. “I’m literally sobbing,” aniya.

Para sa main clue kung seryoso na nga sina Katy at Orlando? Nag-post din si Perry, 31, ng litrato na magkasama sila ni Bloom na nakasuot ng matching Mickey Mouse at Minnie Mouse socks: “When you find your prince,” nakasaad sa caption niya. (Yahoo Celebrity)