Jake Estrada, sa paternity test napatunayan na siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

jake-at-ellie-copy

TWO years ago, sinulat at inilabas na namin ito. Tandang-tanda pa namin na nasa Amerika kami nang malaman namin sa mga kaibigan ni Jake Estrada roon na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Ilang beses na naming tinanong ulit si Andi nu’ng dumating kami ng bansa, at maging ang Kuya Gabby Eigenmann niya, tungkol sa tunay na ama ni Ellie, pero hindi na sila nagsalita uli tungkol dito at dedmahin na lang daw dahil hindi naman mahalaga na kung sino as long as masaya ang bata at nagagampanan ng aktres ang pagiging ina.

Ngayon, kumpirmado nang si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie, at hindi si Albie Casiño na paulit-ulit na tinukoy ng ni Andi noon hanggang sa hindi na ito napag-uusapan ngayon.

Biglang lumabas ang katotohanan sa panayam sa half-sister ni Andi na si Max Eigenmann sa podcast ni Mo Twister na Good Times With Mo nitong nakaraang Huwebes. Kaswal na inamin ng aktres na si Jake nga ang tunay na ama ng pamangkin niya.

Pero nakakagulat pa rin ang sagot ni Max dahil ang tanong ni Mo ay kung sa tingin ba niya ay magkakaayos pa sina Jake at Andi na kamakailan lang ay nagkaroon ng talakan sa kanya-kanyang Twitter account.

“It doesn’t bother me, whatever. They’re always like that. You know he (Jake) is the father of my niece, right?”

Nagulat si Mo, at sinabing hindi naman si Jake ang biological dad ni Ellie.

“No, he is,” mariing sabi ni Max. “They did a (paternity test). Yeah, he’s the dad.”

Kaya nga raw madalas kasama at dinadalaw ni Jake si Ellie para iparamdam na hindi siya nagkukulang bilang ama ng anak.

“That’s why he always post photos of my niece,” sabi pa ni Max.

Sabay post din ni Mo ng live streaming podcast ng huntahan nila ni Max sa YouTube. (REGGEE BONOAN)