Andi, dapat humingi ng public apology kay Albie

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

jake-ejercito-andi-eigenmann-copy

MAGKASUNOD na nag-post sa Instagram si Albie Casiño at ang kanyang inang si Rina Casiño nang kumalat ang interview kay Max Eigenmann ni Mo Twister sa podcast nitong Goodtimes With Mo. 

Sa nasabing interview, inilantad ni Max na si Jake Ejercito ang real father ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie at ang DNA result daw ang magpapatunay nito. 

Simpleng “Thank you” ang ipinost ni Albie, pero ikinatuwa tiyak nito ang positive comments and messages ng kanyang fans at followers. Ang pinakamagandang comment ng netizens ay ang nagsasabing kailangang mag-public apology kay Albie si Andi dahil hindi lang pagkatao nito ang nasira, pati ang career.

Marami rin ang nagsabing vindicated si Albie at dahil nalinis na ang kanyang pangalan at lumabas ang totoo, matuto siyang magpakumbaba at magpatawad.

Alang-alang na lang daw sa bata.

Nag-post naman ang mommy ni Albie ng verses:

“John 8:32-And you will know the truth and the truth will set you free.”

“Proverbs 22:1- A good name is more desirable than great wealth. Respect is better than silver or gold.”

“Luke 8:17 – For nothing is hidden that will not be made manifest, noe is anything secret that will not be known and come to light.”

Sinundan niya ito ng, “All these years we surrendered & completely placed our full trust & confidence to Jesus our Lord & Savior for we know in due time in His perfect time everything will be revealed.

Thank you to all those who prayed for us with us. #thankyouJesus #godisfaithful #godisgood all the time #albiecasiῆo.”

Pati sa mommy ni Albie, ang daming nag-sorry for judging Albie at pati na rin sa pamba-bash sa pamilya ng aktor.

Nakiusap siya sa fans at followers ng anak na ipagpatuloy ang prayers for her son. In fairness, walang sinabing masama at laban kay Andi ang mommy ni Albie.

Ang unfair lang sa pagkabulgar ng isyung ito, naba-bash si Andi pati na ang inang si Jaclyn Jose, samantalang kino-congratulate si Jake.

As we go to press, wala pang reaction sina Andi at Jaclyn pati ang ibang kapatid ni Andi.

Nakakatawa lang ang mga nag-comment na sigurado raw, nag-away na sina Max at Andi dahil sa ginawang pambubuking ng una. (NITZ MIRALLES)