Pagkabalisa, risk factor ng kamatayan sa cancer sa kalalakihan

Filed under Kalusugan Balita RSS RSS Feed

ANG kalalakihan na nakararanas ng pagkabalisa o anxiety ay mas doble ang posibilidad na pumanaw dahil sa sakit na cancer, kumpara sa kalalakihan na hindi nakararanas nito. Gayunman, hindi maiuugnay ang pagkabalisa sa mataas na cancer deaths sa kababaihan, ayon sa malawakang pag-aaral na isinagawa sa Britain at Europe na iprinisinta sa ECNP meeting sa Vienna.

Karaniwang problema sa mental health ang Generalized Anxiety Disorder (GAD) na nakapagpapahina at nagdudulot ng mataas na panganib ng suicide. Apektado ang halos limang porsiyento ng populasyon ng matatanda, ang mga palatandaan nito ay sobra at hindi makontrol na pag-aalala o pagkabalisa tungkol sa iba’t ibang pangyayari sa buhay, at ang mga taong apektado ay maaaring makaranas ng mga sintomas na tulad ng muscle tension, insomnia, kawalan ng kakayahang mag-concentrate, at hindi mapakali. Tiningnan sa mga nagdaang pag-aaral kung ang pagkabalisa ay maiuugnay sa maagang pagpanaw mula sa pangunahing sanhi ng sakit, ngunit halu-halo o iba-iba ang resulta.

Gamit ang datos mula sa 15,938 British na kalahok galing sa European Prospective Investigation into Cancer- Norfolk study, naiugnay ng mga researcher ang kababaihan at kalalakihan na may GAD sa panahon ng 1996-00 at sa loob ng 15 taon, 796 kalalakihan at 648 kababaihan ang namatay sanhi ng cancer. At sa 15-taong follow-up period, nadiskubre nila na ang mga lalaki na may GAD ay doble ang posibilidad na mamatay sa cancer kumpara sa mga lalaking hindi nakararanas ng pagkabalisa. Ang resulta na ito ay hindi natagpuan sa kababaihan. Dapat suriin sa susunod na pag-aaral kung ang anxiety ay maiuugnay sa tiyak na uri ng cancer sa kalalakihan.

Ayon sa lead researcher na si Olivia Remes, “In the past there have been inconclusive studies of the relationship between cancer and anxiety. However our study is the largest one to look at this relationship. We found that men with generalized anxiety disorder are over twice as likely to die of cancer as men without this condition. This holds true even after taking account of a range of additional factors, such as age, major chronic diseases, serious mental illnesses, smoking, alcohol, physical activity, and medications. Women did not show this association between anxiety and cancer.

“The work shows that anxiety is associated with cancer deaths in men. We can’t say that one causes the other; it is possible that men with anxiety have lifestyles or other risk factors that increase cancer risk that we did not account for completely however this association does raise questions, and society may need to consider anxiety as a warning signal for poor health. Researchers, policy-makers and clinicians don’t give enough importance to anxiety, and this needs to change; a large number of people are affected by anxiety and its potential effects on health are substantial. With this study, we show that anxiety is more than just a personality trait, but rather, it is a disorder that may be associated with risk of death from conditions, such as, cancer”.

Ang komento naman ni Professor David Nutt, dating president ng ECNP, (Imperial College),”As a psychiatrist who used to run one of the very few clinics in the UK specialised in the treatment of people with severe anxiety disorders these results do not surprise me. The intense distress that these people suffer often on a daily basis is usually associated with a great deal of bodily stress, that is bound to have a major impact on many physiological processes including immune supervision of cancerous cells. As the authors point out other factors such as self-medication with tobacco and alcohol are also likely to be involved. I fully support the authors’ statement that much more information and investment need to be given to the diagnosis and treatment of anxiety disorders”.

Pinondohan ang pag-aaral ng Medical Research Council and Cancer Research sa UK. Nakatanggap naman si Olivia Remes ng pondo sa National Institute for Health Research. (Medical News Today)