Pokwang at Lee, sa kasalan na ang tuloy

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Lee at  Pokwang copy

AYAW nang patulan ni Pokwang ang mga pang-iintriga ng detractors niya na hindi raw magtatagal ang relasyon nila ng foreigner boyfriend niyang si Lee O’Brien. 

Ayon kasi sa haters, siya lang naman daw ang habol nang habol kay Lee.

Pero pareho silang seryoso sa relasyon nila. Katunayan, ipinakilala na ni Lee si Pokwang sa mga kamag-anak niya. Sabi ng komedyana, sumobra nga raw ang haba ng buhok niya nang mapatunayan niya ang sinseridad ng kasintahan. 

Dagdag pa ni Mamang, wala na silang atrasan ni Lee. Napag-usapan na raw nila ang pagpapakasal pero hindi pa naman sa ngayon dahil busy pa siya sa career lalo na at kauumpisa pa lang ng seryeng Till I Met You na pinagbibidahan ng tambalang James Reid at Nadine Lustre under the direction of Antonette Jadaone and Andoy Ranay. 

Pero kahit halos kasal na lang ang kulang, ikinuwento ni Pokwang na nag-a-adjust pa rin siya sa buhay niya hanggang ngayon. Kung dati raw kasi ay nag-iisa siyang matulog sa napakalapad na kama niya, ngayon ay may katabi na siya. 

So, ito ba ang dahilan kung bakit marami ang nakakapansin na nangangayayat ngayon si Pokwang? 

“Well, kasalukuyang nag-a-adjust ako sa healthy lifestyle niya. Hindi siya masyadong kumakain ng kanin at ganu’n na rin ang ginagawa ko ngayon. Kumbaga, parang sinasabayan ko na rin siya sa pagda-diet niya,” patawang pagkukuwento ni Ms. P. (JIMI ESCALA)