Angel Locsin, tuloy na sa ‘Darna’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TOTALLY out na si Jessy Mendiola sa pelikulang Darna na gagawin ng Star Cinema bago matapos ang taon.

Ayon sa source namin, mismong si Jessy pa ang nagsasabi na gusto man nitong gumanap sa role na dating ginampanan ni Vilma Santos, tanggap na raw nitong hindi mapupunta sa kanya ang project.

May nagparating na raw kasi kay Jessy na huwag nang umasang dahil sa umpisa pa lang ay may napipisil na ang Star Cinema para maging Darna.

Sino pa nga ba kundi si Angel Locsin. Hindi na raw puwedeng magbago ‘yun dahil noon pa man ay naipangako na ito ng management sa kanya.

Panigurado pa ng source namin, kahit may agam-agam noon ang mga taga-Star Cinema dahil sa kalusugan ni Angel, mukhang wala na raw problema ngayon dahil kayang-kaya na ni Angel na gawin ang mga kinakatakutan nilang eksena.

May mga post na rin daw si Angel sa Instagram na talagang gagawin niya ang lahat mapasakanya lang ang much coveted role.

Aktibo na rin kasi uli si Angel sa physical activities kasama na ang pagda-diving.

Ayon pa rin sa aming source, pabor na pabor si Direk Erik Matti na si Angel Locsin na ang susunod na Darna.
(JIMI ESCALA)